Tuesday, April 14, 2009

Summer Job, anyone?

whew! nakakapagod din pala ang clerical job sa school. waha. pinakiusapan kase ako ni ron to take over his job for this vacation with his reason of going to Palayan City for a camp. nyaiks. xempre tinanggap ko ung offer niya. waha. biruin mo nga naman, he gave me a contractual work with a fair rate of P270 a day. well, i couldn't just imagine myself earning that much money to say the least from my own dugo't pawis. haha. though, mind you, i received my very first compensation from the Pascuas for being one of the emcees of their little Audrei's seventh birthday. haha.

and so, i was so excited for my first working day. xempre, nagpapa-impress kaya dumating ako on time. waha. atleast, di ako late. aun, kinakabahan, baka kasi hindi pumayag si Mr. giant-who-does-not-know-how-to-smile na palitan ko si Ron. hindi naman nakakatakot si employer, malaki lang xa and as i said, hindi yata niya natutunan kung saan mang IT school xa nag-aral, na kahit papano kelangan pa din ng approachable na itsura which can be attained by having an approachable smile, as in wala xang ka amor amor sa katawan. buset. pero okei lang. i won't be working for him anyway, BUT what bothers me is that i'll be working with him all day.

di naman mahirap ang trabaho, tapos na kasi mag-edit ng form 18-A si ron kaya kung anu-ano lang ang tinatrabaho namin. punas ng lamesa, ligpit ng mga scratched papers, ayos ayos ng mga files, naghanap ng lalagyan ng pera para sa xerox machine (na alam ko, dapat free of charge), naglipat ng mga armed chair para sa inventory, ano pa ba? nagbuhat ng mesa para sa interior design at fluidity ng mga tao sa working room namin. hai. okei. those weren't that hard except for a fact that i set my mind before hand for the more easy job of editting students' files. hai. pero okei lang, kasi after nun nagdagsaan na ang mga teachers for the updating of their PDS and SALN. yeah, puzzled ako kung ano gagawin. since inutusan si ron for na maging taga-sara at bukas ng pinto at taga-tawag ng mga susunod na magpapa-encode and this time para sa summer classes naman. so i went out, looked for something to be done at aun, dun ko nakita ang profession ko for that day, ang mag-check ng files ng mga teachers kung kumpleto o hindi. 'wew. easy lang to para sa akin!' i told myself, since i was naturally born to socialize with people and be sipsip sa mga teachers. xD

and that summed up my day, from 10AM, i was doing that job. naku. hirap palang kausap ng mga teachers. hihi. pero xempre, kasabay ko yatang lumabas sa mundo ang optimism kaya, todo smile lang ako. wee. :) sa wakas, makakauwi na rin kami, kahit papano maabutan pa namin ni kim ang surprise birthday party ni katkat. waha. palabas na kami nang sabihin niyang may meeting, eh cathrene was calling then, kaya napalabas tuloy ako, and kim shut the door closed. ngek. ang importante yata ng paguusapan nila. then i heard them talking about me..

Mr. giant-who-does-not-know-how-to-smile: sau (kay kim) ko na lang sasabihin to, si paolo hindi man lang niya ako kinausap na papalitan niya si ron.

Ate Epal: tsaka hindi niya maresist ung friendship niya with the teachers. makakasagabal un sa flow ng trabaho baka kasi pagbigyan niya ung mga teacher kahit na may pilahan.

Mr. giant-who-does-not-know-how-to-smile: though, alam kong matututo xa.. i don't think he could learn what you have learned in a short span of time. I CAN'T ACCEPT HIM.

those words, along with pagod and stress, triggered me. i immediately opened the door, and, facing everyone else, i began my litany..

Kito: aba. Mr. grumpy-giant-who-of-course-does-not-know-how-to-smile, you should have known better than to backstab someone, how could i talk with you whereas in the first place, ron has asked for your permission and you gave it right away. AND who the hell in this world would talk to the hell someone like you who isn't as approachable as you could have been?

and you, Ate Epal na kakambal ni Mr. grumpy-giant-who-of-course-does-not-know-how-to-smile, how the hell in this world could befriending teachers effectuate hindrances in the work flow? wherein, as i see it, talking with them and approaching them in a friendly manner will (1) facilitate ease of communication, (2) somehow swing them away from the long wait, and (3) entertain them and actuate them to cooperate with their student assistants. now, who the hell would tell me that it could hamper work flow?

and back to you Mr. grumpy-giant-who-of-course-does-not-know-how-to-smile, you do not have the right to fire someone who has done his work efficiently. i wonder, was it really about my wrong stuffs or was it just your management deficiency? well, i can't blame you if you can't handle someone who has such a dynamic persona. what circumstances have helped you draw a conclusion that i am an under grade employee? how could you possibly compare my field work to the desktop work of my friend? it must be unfair to compare two differently odd natures of work.

another thing, you could have talked to me as you wanted me to talk to you. don't fire me. i resign.

pero xempre joke lang to, feeling lang ako! waha. kim told me what Mr. grumpy-giant-who-of-course-does-not-know-how-to-smile told him. that could have been the way my loud side has reacted. buti na lang tumawag si katkat at hindi ko narinig ang pinag-usapan nila. then, we ran. with words of consolation, kim tried to uplift my thoughts. waha. sabi niya, don't get frustrated hindi lang daw ako kaya i-boss around ni Mr. grumpy-giant-who-of-course-does-not-know-how-to-smile.




for the very first instance in my life i was REJECTED. (lovelife is an exception. hihi.) and honestly, what bothers me is that i didn't have the favorable juncture of circumstances to defend myself. i've worked hard, i shall say. now, i thank Mr. grumpy-giant-who-of-course-does-not-know-how-to-smile for refusing to accept me, now i know how it feels to lose a job unreasonably.

Monday, April 6, 2009

Life DVD V1.10

Two momentous days have just passed after the momentous graduation day. Grabe. BEST graduation day un. As in. I meant sa klase namin, ako personally, eh hindi naman masyado nagdrama o humagulgol, pero ang drama pa din ng dating ng bawat yakap at haplos at mga tinig na wala mang salitang mauulinig ay nagkakausap ang mga isip at damdamin. Everything was like CINEMATIC. Tipong slow-mo lahat ng nangyayare. Tapos lahat ng scenes were going the way how we wanted it to be from the very start. Tipong wala ng kelangan i-edit kase napaka natural ng mga scenes na sa sobrang kasiyahan, eh parang gusto mo ng kunin ang remote at pindutin ang pause button para hindi na matapos. That is how I saw and felt it.

Speaking of drama, ang drama din nung mga confetting ginupit gupit ng mga teachers for 2 working days ano? Haha. Mejo natawa lang ako kila kuya manong na parang nasilaw sa 15-minute exposure nila dahil sa role nila na paghahagis ng confetti. Kulang na lang mag-hi sila sa amin. At sobrang agaw eksena sila. Hihi. Di ko na nga napansin na viborra na pala ung tinatawag sa stage eh, kasi naman, siyempre, usisero si ako. Buset.

Pero sobrang na-enjoy ko ang pagdampi ng mga piraso ng papel na kahit na medyo cheap sa aking paningin ay alam ko namang pinagbuhusan ng pagod, ang mga piraso ng papel na sumabit sa buhok kong matigas at sumiksik sa loob ng suot kong makating puting toga.. ang mga piraso ng papel na nagpapapikit sa akin at nagpapaalala ng mga natatanging karanasan ng aking buhay hayskul.. ang mga piraso ng papel na tila sumisimbolo sa mga piraso ng pahina ng aking kahapon na unti-unting nagsasama-sama at nabubuo.. mga piraso ng papel na naghahatid ng kasiyahan… at ang mga piraso ng papel na naghuhudyat ng KATAPUSAN ng lahat ng ito.

Hai. Kung merun nga lang sanang Life DVD Remote Control V1.10 ang tao eh no? Edi andali na lang sanang mag-skip ng mga bagay na ayaw nating mangyare, at magrewind ng mga bagay na gusto nating ulit-ulitin, mag-stop kung hindi na natin kaya at i-play kung kelang ito makakayang harapin. Hai. Kung merun, eh kaso wala. Magkaganun pa man, dahil sadyang genius si Bro, wala mang Life DVD Remote Control V1.10, pinagkalooban niya tayo ng alaala.

Hindi man ito itinakdang magtagal nang habambuhay, kahit papanu ay mababalikan natin ang mga ito sa ating mga paggunita sa kahapon. Eto na nga cguro ang memory card na hindi merung hindi mabilang na bytes. Share ko lang din tong message na to:

“Congrats! I thank God for giving me a son like you.. may all ur dreams come true.. I love you..”

tatay ko pala nagsabi niyan. Waha. Nabigla nga ko eh, english. Ahaha.

Sobrang cinematic nga naman ng buhay. Haha. Ang akala mo dating sa pelikula lang mangyayare, eh pede pa lang mangyare sa totoong buhay. The chances are everything is possible. THANK GOD! :D
to end this mediocre blog entry, I posted a message from a good friend of mine:

salamat.
you make me a bit stronger.
you need not be strong.
you must not be weak.
you need not be intelligent.
you must not be stupid.
you need not be perfect.
you must not be bad.
you need not be friendly.
you must not be alone.
there may only be one person in a room, but he’ll never be alone. NEVER
in heart and in spirit.
BE WISE. wisdom may be the key to life.

whoo.
haha
salamat tlga pao :D
1.UNO.i

Saturday, March 28, 2009

cheese macaroni

It has been a long time since I last updated my blog account. naku.


Busy kase eh, and I don't even have a driving force to create a time-worthy entry. ahaha


right now, I am thinking of what to write. Kasabay ng bawat tunog na aking naririnig mula sa pagtipa ng aking mga daliri sa keyboard ng pc, naiisip ko kung may halaga ba ako. I meant, yes, mahalaga cguro ako sa iba, sa mga taong nagmamahal sa akin, sa mga kaibigan ko, at sa pamilya ko. Pero, bakit parang may kulang? Bakit di ko masyadong maramdaman ang self-worth ko? I just don't have any idea on what's happening on my body system that purges me to act and think and feel this way. Is it all because of the activity of the hormonal secretions infused by puberty? how about the effect of the fiery global warming attacking my system via radiation? Who could possibly answer my questions? Ewan ko lang. Haha.

So here comes the soul-searching cliché, the immortal reason of those people kapag may nararamdaman silang uncertainties sa mga sarili nila.

Kanina, I had my afternoon nap, dale, napwersa akong antukin, sino ba namang hindi makakatulog sa sofa sa init ng panahon? Haha. And even worse, I had an afternoonmare(?). Basta nanaginip ako. Nasipatan ko ang mga larawan ng aking buhay, maraming bagay, mga bagay na ayokong mawala, mga bagay na ayokong tanggapin, at mga bagay na ayokong mangyare. Ewan ko ba. Nakakalungkot. Nakakatakot. And it ended, with a touch of tear droplets on my cheeks.

I felt strange, then. Parang biglang may malamig na hangin na dumampi at humagod sa likod ko. Dale, my mind was blank. I felt empty. Ang bobo ko. Wala ako masagot sa mga tanong na bunga din ng tangang pag-iisip ko, and it left me asking, where am I heading to? San ba ako dadalhin ng ihip ng hangin? O san ba ako aanurin ng mga kaisipang bumagbagabag sa akin?

Hay. Ewan ko. Sa ngayon, di ko talaga alam ang kasagutan.


Hindi ko tinatanong kung sino ako, hinahanap ko ang aking pagkatao.




Just in case, makita mo ang sagot sa binabasa mong book series, o kung matisod mo man sa daan, o kung ma-browse mo sa mga web postings, o kung nasa loob man to ng kwarto mo, pakibalik na lang sa akin please? Kailangan ko siya ngayon, promise. :D

Saturday, March 21, 2009

si pareng chucks

Okei. First time kong magBLOG or more correctly, magsulat ng blog. Hai. Mejo malungkot tong una kong entry pero baka tawanan lang ako ng iba jan na makikitid ang utak. Haha.

Enough said. Eto na nga kasi oh.

Bale tatlong araw na ang nakakaraan nang isang umaga, gumising ako, nagtoothbrush, naligo, nagbihis, at nag-ayos ng buhok kong matigas at kulot. Nga pala, dumating ung tita kong war freak kagabi. As in war freak siya to the strictest sense of the word. Warfreak!

Medyo late na ako sa school kaya nga nagmamadali na ako. Kahit wala na kaming pasok, madami pa din aayusin sa yes-o at clearance. Di na ako kumain kasi nandiyan ung tita ko. Ayoko siya kasabay kumain.

Hinanap ko si Pareng Chucks ang sapatos kong hand-me-down sa akin ng ate ko.Maraming beses na ngang napansin si Pareng Chucks dahil sa halos kalahati na ang hiwa sa pagitan ng suwelas at takip ng sapatos ko. Litaw na nga ang mga medyas ko tuwing suot ko si Pareng Chucks eh, dahil ganun siya kabukas. As in sira na talaga.

Pero kahit ganun pa man, favorite ko si Pareng Chucks over all other shoes kasi siya ung nakasama ko nung mag-isa lang ako. Ung tipong sa bigat ng dinaramdam ko, nagba bike na lang ako suot ko si Pareng Chucks. O kaya nilalakad ko ang kahabaan ng intersection hanggang sto. nino para makasabay ko ung kaibigan kong gago. Minsan kasi nashoshort ako sa pera dahil sa foodtrip tapos kelangan ko pang sumakay ng pang-angeles para may kasabay siya. (loner ata xa nun eh). Eh si mama, wala sa bahay. Kaya di ako makahingi ng pamasahe sa kanya. Kaya aun, nilalakad ko na lang. Nakakapagod pero enjoy naman, kasi kahit papano may nagagawa ako sa buhay kong to.

Andaming mahahalagang bagay na nangyari sa akin wearing Pareng Chucks, to name a few witness siya nung kinikilig ako sa lovelife ko sa hagdan ng JICA, suot ko din to nung upcat sa clark. Sinamahan din niya ako habang nakikitulog ako sa ibang bahay para gawin ang mga post dated projects. Tsaka nung nagpapakamatay kami hanggang madaling araw para sa research. Hai. Sobrang dami talaga ng pinagsamahan namin ni Pareng Chucks.

Nakuha ko na rin ngang makarating sa tarlac, bataan, sa bahay ng mga kaibigan at kung saan-saan pa xempre kasama ko si pareng Chucks. As in naabuso ko na yata xa kaya nang isang araw, nag-umpisa na ang paglitaw ng mga hiwa sa Chucks ko. Maglakad ba naman mula magliman hanngang inter? Haha. Wala eh. Nakatrip kami nun. Kaya un, dun na nga nag umpisa ang sakit ni Parekoy. Unti-unti na xang ginupo ng kanyang karamdaman.

Madalas nga siyang pagtawanan eh. Tinutukso pa ako lagi. Palitan ko na daw si pareng Chucks, maawa daw ako sa kanya dahil deserve niyang makapagpahinga. Pero di ko sila pinakinggan, gusto ko kasi makasama ko siya sa lahat ng alaala ko sa senior high. Siya na nga ang naging diary ng buhay ko eh, tagasalo ng mga pressures at problema na pasan pasan ko. Minsan pa nga, sa sobrang stress nakakatulog ako na suot pa din si pareng Chucks. Wahaha.

Kaya nga ayun, nakuha nang mapudpod ni Pareng Chucks, at matagtag ang sintas at ang dating black, ngayon ay may may bahid na ng puti puti. Ganyan kagrabe. Maraming alikabok, madumi, medyo mabaho pero okei pa rin. Ganyan na napamahal si Pareng Chucks sa akin.


Back to the story, edi paalis na nga ako, tinignan ko si Pareng Chucks sa loob ng box ko. Wala siya. Hinalughog ko na nga ang buong kahon, itinapon palabas ang mga bagay bagay na nasa loob, wala siya. At sinigawan ko na si tita warfreak, 'nasaan si pareng Chucks ko?!'

Hindi daw niya alam. Dun ko na lang napansin, wala na ung isang sako ng basura sa harap ng bahay, dumaan na pala ang buset na dump truck. Tinangay na niya si Pareng Chucks. Wala na siya.


Di ko mapigilan ang mainit na tubig na bumagsak sa mga mata ko. Noon ko lang ulit naramdaman ang ganun ka sakit. Ang mawalan ng isang bestfriend. Humagulgol ako sa kwarto at halos dalawang oras na umiiyak, nagmumukmok.


Dale hindi kase alam ng tita ko ung emotional attachment sa mga bagay-bagay. Kala niya ganun lang un, sapatos na sira-sira na pedeng ibasura. Ang sakit ng kirot ng puso ko. Di ako makahinga ng maayos.


Pareng Chucks will always be my BESTFRIEND. At walang iba pang sapatos na pedeng makapalit sa kanya. Ang gago ko eh, ano? Ewan ko. Haha. Di ko talaga ma-imagine na mapapaiyak ako ni Pareng Chucks.






Pare ko, kung nasaang dump site ka man ngayon, salamat! SALAMAT!